Thursday, January 24, 2013

Pinsala sa Tubattaha


PINSALA SA TUBBATAHA

Batay sa ulat ng Task Force Tubbataha, 1,000 square meters ang lawak ng nasirang corals saTubbataha Reef. Sanhi ito ng pagsadsad ng USS Guardian, isang minesweeper na pag-aari ng gobyerno ng Estados Unidos.



Ipinagutos kaagad ng task force, na binubuo ng mga kinatawan ng gobyerno ng United States, US Navy, Philippine Navy at Philippine Coast Guard, ang pagtanggal muna sa langis ng barko para maiwasan ang pagtagas at mas lalong maglagay sa peligro ang UNESCO world heritage site. Ang nasabing lugar ang breeding ground ng mga isda sa karagatan ng Palawan at dahil sa lawak ng nasira, mahabang panahon ang kailangan bago ito maibalik sa dati.
Sa kasalukuyan, pinal na ang preparasyon ng task force para matanggal ang minesweeper sa Tubbataha sa Sulu Sea. Gayunpaman, malaki na ang pinsala nagawa hindi lang sa ating coral reef kundi hanapbuhay nang napakaraming mangingisda na umaasa sa mga isdang nabubuhay sa mga corals ng Tubattaha Reef.


Sa aking palagay, kailangan papanagutin ang pamahalaan ng Amerika sa pinsalang naidulot nila. Kahit pa hindi nila sinasadya ang pagkasira ng minesweeper sa ating karagatan, wala pa rin silang karapatang pumasok sa Tubattaha Reef dahil ito ay isang “protected site”. Kailangan ipakita ng ating bansa na handa nating ipagtanggol ang ating mga pag aari para pag ukulan tayo ng pagpapahalaga ng iba.

No comments:

Post a Comment