PINSALA
SA TUBBATAHA
Batay sa ulat ng Task Force Tubbataha, 1,000 square meters ang
lawak ng nasirang corals saTubbataha Reef. Sanhi ito ng pagsadsad ng USS
Guardian, isang minesweeper na pag-aari ng gobyerno ng Estados Unidos.
Ipinagutos kaagad ng task force, na binubuo ng mga kinatawan ng
gobyerno ng United States, US Navy, Philippine Navy at Philippine Coast Guard,
ang pagtanggal muna sa langis ng barko para maiwasan ang pagtagas at mas lalong
maglagay sa peligro ang UNESCO world heritage site. Ang nasabing lugar ang
breeding ground ng mga isda sa karagatan ng Palawan at dahil sa lawak ng
nasira, mahabang panahon ang kailangan bago ito maibalik sa dati.
Sa kasalukuyan, pinal na ang preparasyon ng task force para
matanggal ang minesweeper sa Tubbataha sa Sulu Sea. Gayunpaman, malaki na ang
pinsala nagawa hindi lang sa ating coral reef kundi hanapbuhay nang
napakaraming mangingisda na umaasa sa mga isdang nabubuhay sa mga corals ng Tubattaha
Reef.
Sa aking palagay, kailangan papanagutin ang pamahalaan ng Amerika
sa pinsalang naidulot nila. Kahit pa hindi nila sinasadya ang pagkasira ng
minesweeper sa ating karagatan, wala pa rin silang karapatang pumasok sa
Tubattaha Reef dahil ito ay isang “protected site”. Kailangan ipakita ng ating bansa
na handa nating ipagtanggol ang ating mga pag aari para pag ukulan tayo ng
pagpapahalaga ng iba.